0

Inamin ng Kapamilya singer-TV host na si Billy Crawford na sumama ang loob niya nang malamang kasama siya sa listahan ng mga artistang gumagamit diumano ng illegal drugs. Hindi pa kumpirmado kung lehitimo ang nasabing listahan na inilabas sa isang tabloid, ngunit kasama raw ni Billy na nasa listahan ang kapwa niya It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.




ADVERTISEMENT

Pati na ang matinee idols na sina James Reid at Enrique Gil, ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff, at ang socialite/eventologist na si Tim Yap.



Nauna nang itinanggi ni Tim sa isang radio interview na may kinalaman siya sa illegal na droga. Habang kasama naman si Enrique sa Star Magic artists na nag-voluntary drug testing, at negatibo ang resulta nito.



SPONSOR

Wala pa namang pahayag ang ibang mga artistang nabanggit. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Billy sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon, August 31, nagsalita tungkol sa pagkalat ng naturang listahan.



filipinoinfo.com

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top