0

Ang tuluyang mapatalsik sa Senado ang isa sa inaabangan ni Senador Leila de Lima na gagawin umano sa kanya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Ayon pa kay De Lima, malinaw naman na ang mapatalsik siya sa Senado ang isa sa pangunahing layunin ng Pangulo dahil minsan na rin umano nitong sinabi na sisirain siya at siya’y tapos na.




ADVERTISEMENT

“Hindi malayo ‘yan, iyan nga ang isa sa mga pinaka-agenda, isa sa mga pinaka-layunin ng Pa­ngulo natin kasi ilang beses na natin siya napa­kinggan na talagang sinabi niyang he will destroy me. Sa isang presscon, sinabi niya you’re finished,” ayon kay De Lima. Dahil dito, naniniwala ang senadora, na hindi matatapos ang gagawing panggigipit sa kanya hanggang hindi siya mawala sa eksena at puwesto.



Pinakahuling matin­ding inalmahan ng senadora ay ang natanggap niyang libu-libong text messages at phone calls na nagbabanta at nagha-harass sa kanya matapos na isapubliko ang kanyang cellphone number sa pagdinig ng Kamara.



SPONSOR



DYARYO.NET

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top