0


Umani ng 'standing ovation' sa Jewish community ang muling paghingi ng public apology ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Hitler remarks. Kanina dumaan si Pangulong Duterte sa Beit Yaacov Synagogue ng Jewish Association of the Philippines kung saan dumalo sa kanilang pagdarasal at saka nagbigay ng mensahe.




ADVERTISEMENT


Sa kanyang talumpati, paulit-ulit ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte sa mga Jews kaugnay sa nasabi pero nilinaw na wala daw siyang intensyong saktan ang kanilang damdamin. Ayon sa Pangulong Duterte, naging emosyunal lamang din siya dahil sa napakalaking problema sa iligal na droga sa bansa. Matapos nito, nagsitayuan sabay palakpakan ang Jewish community pagkarinig ng mensahe ng pangulo.




"I apologize for what I said but there was no intention to derogate (referring now to the Hitler statement) but if you will not accept my apology I am sorry," ani Pangulong Duterte. Sinabi naman ni Israeli Ambassador to the Philippines Matityau, tanggap nila ang apology ni Pangulong Duterte dahil inamin namang hindi sadya ang kanyang naging pahayag.



SPONSOR

Kilala din daw nila ang personalidad ni Pangulong Duterte kaya naniniwala silang hindi intensyunal na masaktan nito ang Jewish community sa Hitler remarks. "He is the President. He said it was never intentional so we accept his apology.. from the start we knew his personality already, and we know it's not intentional," ani Matityau.



DYARYO.NET

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top