0

Hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV si Sen. Richard Gordon na magpakalalaki at humingi nang paumanhin kay Sen. Leila de Lima. Ayon kay Trillanes, marapat lang daw na ito ang gawin ni Gordon matapos na pagbintangan nito si De Lima sa pagkukubli raw ng mga vital information hinggil kay Edgar Matobato na umano'y dating miyembro ng Davao Death Squad.




ADVERTISEMENT


Kaugnay nito, hinimok ni Trillanes si Gordon na mag-public apology at aminin na nagkamali ito. Sa nangyari raw kasi kagabi ay lumabas talaga daw ang pagiging bias ni Gordon na siyang chairman ng Senate committee on Justice and Human rights na nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu ng extrajudicial killings sa gitna ng giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.




Kagabi ay nagkaroon ng mainit na palitan ng salita sina De Lima at Gordon dahil sa umano'y "material concealment" sa kidnapping charges na inihain dati pa laban kay Matobato. Para naman kay Gordon, si De Lima raw ang dapat na humingi nang paumanhin dahil sa pag-walk out nito na isang uri ng unparliamentary.



SPONSOR

Bwelta naman ni Gordon kay Trillanes na nagpapanggap umanong abogado dahil sa pagtatanggol kay Matobato. Tinawag pa niyang "sundalong kanin" si Trillanes.



Source:

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top