0

Sa kabila ng "verbal attack" ng Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union (EU) ay patuloy pa rin umanong susuportahan ng politico-economic union ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga. Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, sa katunayan daw ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DoH) para pag-usapan ang paglaban sa drug abuse sa bansa.




ADVERTISEMENT

Nagbigay na rin umano ang Union ng P3 billion sa DoH na bahagi ng kanilang general development cooperation program. "Indeed, we are supporting the Philippines on many different fronts. We are working closely with the Department of Health on fighting drug abuse in the Philippines. Our initial support concentrates on one area where we, the EU, has outstanding strength; namely identification of International and National best practices in drug treatment practices. Our support to the Department of Health falls under our general development cooperation programme. Every year the EU supports developments in the Philippines to the tune of PHP 3 billion," ani Jessen. Dagdag ni Jessen sa kanyang sulat na naka-post sa facebook ng EU, ang drug abuse ay isang "shared problem" at mayroon itong international at national dimensions.



"The EU and our work in the Philippines continued to draw head-lines during the past week," dagdag ni Jessen. Maliban dito, nakipagkita na rin umano si Jessen kay Secretary Jesus Dureza ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) para pag-usapan kung papaano sila makakatulong sa pagpapatupad ng peace agreement sa Mindanao.



SPONSOR

Nabatid na nakatikim ng maaanghang na salita ang European Parliament mula sa Pangulong Duterte nang nag-isyu ang mga ito ng resolusyon para agad na maglunsad ng imbestigasyon kaugnay ng lumulobong death toll sa bansa dahil sa kampanya ng administrasyon kontra sa iligal na droga. Pati ang United Nations (UN) at United States kabilang si President Barack Obama ay hindi rin nakaligtas sa mga patutsada ng Pangulo dahil sa kanilang pagpalag sa dumadaming namamatay sa bansa



Source:

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top