0

CAMARINES SUR— Isang malamig ng bangkay nang matagpuan ang 77-taong gulang na si Elena Geroy sa isang batis sa Barangay Tinalmod Nuevo, Libmanan, Camarines Sur, Miyerkules. Sa kuhang larawan ng mga pulis, wala nang saplot ang matanda, bagay na pinaniniwalaang ginahasa ito bago pinatay.




ADVERTISEMENT


Ayon sa nag-iisang anak ng biktima na si Virginia Molina, pitong araw na nilang pinaghahanap si Lola Elena. Nobyembre 16 nang i-report nila sa mga otoridad ang pagkawala ni Lola Elena.




Ani Molina, alas-siete ng umaga nang magpaalam ito na pupunta sa pamangkin na tinatayang isa't kalahating kilometro ang distansiya sa kanilang bahay pero hindi na ito umuwi. Tatlong araw nang naghanap ang mga opisyal ng barangay sa matanda pero hindi ito natagpuan. May ilang residente pa umanong nakakita kay Lola Elena.



SPONSOR

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima para alamin kung ano ang ikinamatay nito at kunpirmahin kung ginahasa ito. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.



abs-cbn news

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top