0

ILOCOS NORTE - Wala pang petsa kung kailan ililipat ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kaya maraming turista pa rin ang humahabol na makita siya bago tuluyang mailipat.


 Bukod sa para makita nang personal ang labi ni Marcos, pakay din ng ilang turista na patunayan kung totoo o wax replica lamang ang naka-preserbang katawan ni Marcos sa mosoleyo.


 Naniniwala si Moses Malos na totoong si Marcos ang nasa loob ng mosoleyo




ADVERTISEMENT


“Mukhang pinapahalagan nila, kaya andiyan yung katawan niya talaga. Yun yung assumption ko—real din yung katawan, inayos lang,” aniya.


 Tingin naman ni Zenaida Malos, halos wax replica lamang ito.


 “First time ko nakarating dito. Palagay ko wax yun. Eh kasi kung katawan niya yan, 25 years, matutunaw na yun, malalagas na,” aniya.


 Ganito rin ang tingin ni Editha Dean Meneses: “Kahit tignan mo namang mabuti, hindi ka pa rin sigurado kung yun pa rin kasi. Ang wax, minsan parang gayang-gaya niya.”




Magkaka-iba man ang pananaw dito, pare-pareho silang pabor na mailipat na ang bangkay ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil naging sundalo ito.


 Naniniwala naman ang embalsamador ng higit sa 30 na taon na si Aladdin Dela Cruz na totoong si Marcos ang nasa mosoleyo. “Hindi fake yung katawan ni ex-President Marcos kasi pag maganda pagka-embalsamo niya, saka naka-aircon naman ang kaniya at saka lagi naman nilang chine-check yung bangkay ni Ex-President, sigurado akong siya yun.”


 Maging ang mga ineembalsamo niya ay matagal din daw naagnas “Ang experience ko lang sir, mayroon akong inembalsamo noon, almost 15 years na ang nakakalipas, noong binuksan ulit ‘yung nitso, buong-buo pa rin pero magaan na lang siya,” aniya.


 Sa panayam naman kay Governor Imee Marcos, panganay na anak ng dating pangulo, sa ANC Headstart noong Huwebes, iginiit niya na ang ama mismo ang nasa mosoleyo.



SPONSOR

Taong 1993 nang iuwi sa bansa ang labi ni Marcos mula Hawaii at ang mortician na si Frank Malabed ang nag-ayos ng pagkapreserba nito.


 Ayon kay Malabed, magtatagal lamang ang pagkapreserba ng bangkay sa loob ng 20-25 taon. Ibig sabihin, kung mapipigilan ulit ang Marcos burial, posibleng masira ang pagkapreserba ng labi ni Marcos.



Source:abs-cbn news

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top