0

Isang malaking kawalan daw si Vice President Leni Robredo sa administrasyong Duterte matapos itong magbitiw sa puwesto bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Sinabi ito ni Akbayan Rep. Tom Villarin sabay bigay diin na kakaunti na lamang ang natitirang matitinong opisyal sa Duterte adminsitration dahil nagbitiw na sa puwesto si Robredo.




ADVERTISEMENT


Samantala, dismayado naman daw si Villarin sa pamamaraan kung paano tratuhin ni Duterte si Robredo dahil nakikita lamang daw sa ginawa nito na kinakalaban talaga ng Pangulo ang kanyang mga kritiko. Mahahalata naman din daw na "highly partisan" ang Pangulong Duterte dahil sa ginawa nito.




Gayunman, naniniwala si Villarin na may ikinakasang plano talaga laban kay Robredo upang ito ay mapatalsik sa pagka-bise presidente. Mahahalata na raw kasi sa ngayon na pabor si Duterte sa pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan.



SPONSOR

Nangangamba naman si Villarin na magagamit din ang impluwensya ni Pangulong Duterte sa petisyon ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos laban kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal. Ito ay dahil napipintong magtalaga si Pangulong Duterte ng dalawang bagong mahistrado ng Korte Suprema.



notebookandpen06.blogspot.com

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top