0

MANILA, Philippines — Hindi pinansin ng Korte Suprema na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang hirit ng natalong vice presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag galawin ang mga vote counting machines (VCM) na ginamit sa eleksyon nitong Mayo 2016. Nais ni Marcos na mapreserba ang mga VCM kaugnay ng kaniyang electoral protest sa pagkapanalo ni Bise Presidente Leni Robredo.




ADVERTISEMENT


Pinayagan ng mataas na hukuman ang Commission on Elections (Comelec) na simulant na ang stripping activities o closure ng mga election paraphernalia. Naunang hiniling ng Comelec sa PET na karamihan sa election paraphernalia ay walang laman ng resulta ng halalan, katulad ng satellite antennas, external back up batteries at VCM kits.




"As to the backing-up activities, there appears to be no need for the backing-up of the ballot images as these are already in the two SD cards from the VCMs," nakasaad sa resolusyon ng PET. Pinasisimulan na ng PET ang stripping activities sa lahat ng VCM kits bilang bahagi ng 2016 Automated Election System Project.



SPONSOR

Kinuwestyon ni Marcos ang resulta ng halalan sa 39,221 clustered precincts sa 25 lalawigan at limang lungsod sa bansa. Wala pa namang nilalabas na desisyon ang PET sa panawagang bilangin muli ang mga boto.



Source:www.philstar.com

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top