0

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga Filipino na makiisa sa iilang naglalakas-loob ("few voices") na magsalita laban sa "extrajudicial killings" at sa tila ba namamayaning kultura ng karahasan at puot.

 Tila kulang pa umano ang ipinakikita ng pagkamuhi ng mga mamamayan sa kultura ng karahasan, ayon kay Robredo, na dati nang nagsalita tungkol sa isyu.

 "I've been very vocal about it... But you know, I'm just one voice. Even if I'm vice president, I'm just one voice," pahayag niya sa isang pulong-balitaan sa Pennsylvania sa USA, kung saan guest of honor siya ng National Federation of Filipino American Associations (NaFFAA). 

Dagdag niya:

 "There has been a few voices already out there against extrajudicial killings, but I think the public outcry is just not there yet. I think all of us should do our share in making sure... this has to stop."




ADVERTISEMENT


'Scary' Tinatawag niyang "scary" ang sitwasyon dahil "marami ang nangyayari pero kakaunti 'yung [outrage]."

 Inihayag ni Robredo na dalawa sa kanyang mga kaibigan ang nawala sa serye ng patayan—isang barangay captain sa Camarines Sur at isang sheriff. Dagdag niya, tila nagsimulang mamayani ang galit sa social media nang magsimula ang kampanya sa halalan noong Mayo.




Aminado rin siya na hindi lamang sa Pilipinas ang pag-uugali na ito at ang tinatawag na "culture of impunity" o ang pagpatay o pagpapahirap sa isang tao na walang takot na mapaparusahan.

 "Parang there is already a pervading culture of impunity. Not only that: If you look at social media, it also seems like there is a culture of hatred already.

 Parang kakaiba ngayon," giit niya. "Parang hindi naman tayo ganito ... [but] it seems like we're not alone in this. Parang there is a global phenomenon right now, there is a culture of hatred going around," dagdag niya.



SPONSOR

Sinabi rin ni Robredo na paulit-ulit na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na "the rule of law and due process would be honored ... Eeveryone of us should have a stake in this," pahayag ni Robredo.

 "'Pag hindi kasi enough 'yung public outcry, it brings a sense of hopelessness, and you ask yourself, 'Is this really what the majority wants?

 Kasi kung ito talaga 'yung gusto natin, 'yung mga ayaw nun, dapat talagang matakot." "Pero kung hindi naman ito 'yung gusto natin, pero marami lang sa'ting hindi [nagsasalita], then we're not doing enough."

 Sinabi rin niya malaki ang magagawa ng media. [The media] "can do a lot [in] as far as creating a mindset that this is not right."

 Bumisita si Robredo sa US dahil naimbitahan siya na magpunta doon ng Filipino-American communities. Maliban sa kayang pagdalo sa isang aktibidad sa Pennsylvania, nakipagpulong din siya sa ilan pang mga grupo ng mga Filipino sa San Francisco, California.



Source:gma news

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top