0

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 2 na nagbibigay ng gratuity pay o katumbas ng bonus para sa mga job order at contractual na manggagawa sa gobyerno.




ADVERTISEMENT


Disyembre pa ng ipinangako ng Pangulo na makakatanggap din ng P2,000 bonus ang mga contractual at job order na manggagawa na nagtratrabaho para sa gobyerno sa loob ng mahigit sa apat na buwan hanggang noong Disyembre 15, 2016.




Ang mga manggagawa naman na hindi pa nakakabuo ng apat na buwan na serbisyo sa gobyerno ay makakatanggap ng P1,000 na gratuity pay. 

 Ayon sa dokumento, nararapat lamang na makatanggap ng gratuity pay ang mga hindi regular na manggagawa sa gobyerno bilang pagkilala sa kanilang pagseserbisyo.


 







SPONSOR

Dagdag nito, ang bonus para sa mga di regular na manggagawa ay makatwiran dahil hindi sila nakakatanggap ng ibang benepisyo na nakalaan lamang para sa mga regular na empleyado tulad ng "mid-year at year-end bonuses, performance-based bonus, at personnel economic relief allowance."


Saklaw ng Administrative Order No. 2 ang mga manggagawa mula sa mga national government agencies, state universities, government owned and controlled corporations, at mga government financial institutions



Source:abs-cbn news

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top