0
Kris Aquino responds to basher who called her 'abnormal'

Muling sumagot si Kris Aquino, 45, sa ilang netizens at bashers na nag-comment sa kanyang Instagram post. Kabilang dito ang tugon niya sa tumawag sa kanyang “abnormal," sa muling nagli-link muli sa kanya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, at sa nagtanong kung posible pa siyang bumalik sa ABS-CBN.

 Unang sinagot ni Kris ang isang Instagram user na si @carlaren_0809, na tumawag sa Queen of All Media ng “abnormal,” pati na rin sa kapatid niyang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at sa kanyang mga anak.




ADVERTISEMENT


Kung susuriing mabuti ang sagot ni Kris at ng mga netizen na nagtanggol sa kanya, tila nagpalit ng pangalan si @carlaren_0809 ng @cherry_amor16. Tugma rin ang description ng netizens sa profile ni @cherry_amor16 kahit na ang naka-tag sa kanilang komento ay si @carlaren_0809.




Bukod sa pagtawag kay Kris ng "abnormal," hinalungkat pa ng nasabing basher ang nakaraan ni Kris. Sabi ng basher, “Ay naku kris kong ako magpitak ka ng bugok na itlog sa utak mo. 

Tutal Abnormal ka namn gaya ng kapatid mo at anak mong mga abnormal...puro dasal dasal pang nalalamn ang TULO n kris na to.As if namn may itatago ka pa e ladlad nmn n lahat ng baho ng buhay mo.Kaya nalng kaya ng kuya mong abnormal na kumakain ng kulangot ang mag asawa para namn may forever kaung dalwa”



SPONSOR

Hindi pinalampas ni Kris ang pag-alipusta sa kanya ng netizen na ito. Sagot ng TV host-actress, hindi niya itinago ang kanyang nakaraan at pinagsisihan na niya iyon. “@carlaren_0809 you must care about us so much to write 2 paragraphs about us.

 The problem is everything you accuse me of I never hid in fact I had the courage to acknowledge publicly, apologized for, and I made my peace w/ my Lord & Savior. 

Bash me more, every time you do- God's justice is at work.” Mensahe pa ni Kris sa basher: “I don't know you so malabong may atraso ako sa yo- if it's my existence that bothers you- 1 perfect solution IGNORE ME.” Ipinagtanggol naman si Kris ng kanyang mga supporters.-



Source:gmanetworknews

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top