0



‘Takot sa sariling multo’


 Ito ang reaksyon ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga ulat na may mga mambabatas na nagpa-planong alisin ang plunder sa mga krimen na maaaring mapatawan ng death penalty.




ADVERTISEMENT


Ayon kay Panelo, posibleng ang ilang sa mga mambabatas na nagpapatanggal sa plunder ay natatakot na maimbestigahan pagdating ng panahon.


 Tao lang din aniya ang mga mambabatas na natatakot sa parusang kamatayan.




Dagdag pa ni Panelo, maaaring ipantay ang plunder sa murder dahil marami ang namamatay dahil sa korapsyon.


 Kapag inalis aniya ang milyon-milyong pera na dapat natatanggap ng constituents ng mga mambabatas, katumbas na din ito ng pagpatay sa kanila.



SPONSOR

Kanina, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na aalisin ang plunder o pandarambong sa Death Penalty bill.



Source:www.unangbalita.com

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top