0




ADVERTISEMENT


MANILA - Nakatakdang magtipon ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Luneta Park sa Sabado ng hapon, upang tapatan ang pwersa ng mga mag-ra-rally sa EDSA para sa selebrasyon ng anibersaryo ng People Power revolution.

]

 Sabi ni Constancio Tiongco ng Mayor Rodrigo Duterte National Executive Coordinating Committee, malamang daw ay puputaktihin ng kritisismo si duterte ngayong araw kaya magra-rally din sila upang magpahayag ng suporta sa pangulo.




Ayon kay Tiongco, hindi sila pwedeng maupo na lang habang nag-iingay ang mga Anti-duterte groups para ipanawagan ang pagpapatalsik sa pangulo. Samantala, susugod din sa embahada ng Estados Unidos ang mga maralitang grupo, sa pangunguna ng kadamay, upang kondenahin ang nanatili umanong pakikialam ng mga Amerikano sa Pilipinas.



SPONSOR

Sabi ni Carlito Badion, ang Secretary General ng Kadamay, dismayado rin sila sa mistula umanong pagkakasundo ni Duterte at ni US President Donald Trump upang muling sumandal ang Pilipinas sa Amerika.


 Dahil dito, asahan din na magiging masikip ang trapiko sa Maynila, partikular sa area ng Roxas boulevard kung nasaan ang Luneta Park at US Embassy.



Source:TNP

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top